Huwebes, Agosto 6, 2015

KOA: Knights of the Altar ng ICA Parish-Dasmarinas


Immaculate Concepcion Parish-Dasmarinas.
Madalas nating maririnig sa mga tagaDasmarineno ang simbahan sa bayan, ang ICA Parish-Dasmarinas.Tinuturing itong pinakasentral na katolikong pook simbahan rito sa lungsod. Madalas itong ganapan ng iba't ibang programa at misa.

Bilang bahagi ng aming proyekto, ilalahad namin ang Bisyon at Misyon ng pinakakinatitiwalaang pangkat na tumutulong at sumusuporta sa simbahan, ang Knights of the Altar o KOA na binubuo ng mga sakristan at iba pang kabataang naglilingkod sa ating mahal na Panginoon.

Mission:
Knights of the Altar (KOA) is the association of altar servers who assist the celebrants (priests, bishops, etc.) during liturgical celebrations in Immaculate Conception Parish-Dasmarinas.Their service helps promote a more solemn atmosphere during Holy Masses.

Mga kasapi at sakristan ng KOA.
Vision:
As KOA, we commit ourselves:
- To develop all our gifts of body, mind and heart (Human Maturing)
- To become close friends of Christ himself (Relationship with Christ)
- To become active members in Church
- To build up God’s Kingdom in the world.
Advocacy-Ad Poster na nilikha ng 9-Lavoisier. (c) Kenneth Garces




Sabado, Hulyo 4, 2015

Prinsipyong Subsidiarity: Pagsasapuso't Adbokasiya



Pamumuan ng DNHS, mga guro at bisita. (c) DNHS Stolen Shots
Sa ating paaralan, sa DNHS, binubuo tayo ng mga guro ( Head Teachers, Master Teachers, Teacher 1, Teacher II, Teacher III, etc.), mga opisyal (Punong-Guro, Mga Tagapagpayo o Guidance Coordinators, Faculty,atbp), at mga Estudyante. Ang mga ito ang nagpapatotoo na ang lugar ay tunay na isang paaralan kung saan tayo nag-aaral, nakikipagkapwa, tumutulong at nagiging tunay na anak ng Diyos.

Sa simula, ang paaralang DNHS o Dasmarinas National High School ay mumunti pa't simple. Kaunti pa ang mga estudyante rito at ang kalidad ng Edukasyon ay hindi ganoon kataas di tulad ngayon. Ngunit, matapos ang ilang taon; mga taon ng pagkukumpuni, paghihirap, at pagbabago ay unti-unting nag-iba't umunlad ang paaralan. Nagkaroon ng maraming pasilidad at silid-aralan, silid-aklatan, silid-pagamutan, silid-panlibangan, ICT Rooms, Faculty Rooms, Gymnasium, Oval, Grand Stand, Field, Arch/Entrance. Umusbong na rin ang iba't ibang larangan at organisasyon na nagpapakita pa lalo na ang DNHS ay isang tahanan; lugar kung saan ang pakikipagkapwa tao ay malaking bagay.

DNHS supports Brigada Eskwela 2015. (c) SSG
Ngunit, lahat ng ito ay may nagpasimula, May nagtanim, may namuno. At tayo, ang mga nasa kasalukuyan ang mga umani nito at ngayo'y pinangangalagaan natin.Katulad ng SSG o Student Government na nagmimistulang pamahalaan ng mga estudyante sa loob ng eskuwelahan. Sila, ay organisado at pinangungunahan ng President at iba pang pamunuan at sinusundan ng Grade Level Representatives at Deputies. Lahat sila, may function o may tulong kumbaga na sistematiko. Leaders are not born nga ika, SSG makes them.

Ngunit hindi porket, Leader sila o sila yung nasa itaas di na nila papakinggan ang hinaung at mga suggestions ng masang Dasmarineno. Dahil, sa Prinsipyong Subsidiarity, lahat ay may function. Lahat may ginagawa at lahat may itinutulong.

Ngayon, itinampok ng Pangkat Uno mula sa Grade 9- Lavoisier ang mga picture-quotes o adbokasiya na mas magpaparamdam at magpapakita sa inyo ng Prinsipyong Subsidiarity.

Ang pagsunod sa pinuno at sa mga mas nakakataas ay mahalaga. Dahil sa tulong nila mas naipapabisa ang mga gawain at aksyon upang umunnlad ang isang pamayanan. (c) Andrea Bacarisa
Ang pakikipagkaibigan ay isa ring paraan upang umunlad tayo. (c) Christian Gonzales
Makikita sa itaas ang dalawang estudyante ng DNHS, galing sa SSC 10-Galileo, kahit sa simpleng paraan ay tumutulong sila sa paglilinis ng ating paaralan. (c) SSG  (c) Kenneth Garces
Pagkakaisa at pagtutulungan ay mga paraan upang umunlad at magstep-up sa buhay. Parang sa room lang iyan, Unity! Sa alam niyo na para may malaking grades. (c)  Matthew Perez

Ang pagkakaisa ay para sa bawat isa. Handog ito ng Diyos sa ating lahat ng pantay-pantay at may patas na pagtingin. (c) Darly  Manansala


Maliban sa Edukasyon at sistematikong pamamahala, pagkakaisa rin ang makakapagbigay sa isang lipunan ng maayos na pamumuhay. (c) Kathrine Jane Sunga
Parang tayo, mga estudyante, hindi natin makakamtan ang tunay na kahulugan at pakiramdam ng pagiging teenager o bata kung wala tayong kasama't katuwang tulad ng kabarkada o kaibigan. No man is an Island ika nga. (c) James Ebero







Lubos kaming nagpapasalamat sa Dakilang Lumikha, aming pamilya,guro, mga kaibigan at iilang sanggunian.

Mga Sanggunian :
DNHS Stolen Shots
Supreme Student Government (SSG)
DNHS Mendelol
SSC Newtonians
SSC Lavoisier
Google Images

Sariling Kotasyon ng Pangkat Uno, 9-Lavoisier.
Captions at blog ni Kenneth Garces

God bless! :D








Biyernes, Hunyo 12, 2015

Unang Bahagi: Gawain

Matapos nating makilala ang makulay at maunlad na Lungsod ng Dasmarinas, kakaibiganin naman natin ang tanyag at mapayapang barangay ng Burol-I.Matatagpuan ito bandang Kadiwa hanggang St.Paul Hospital.

Ang luntian na damuhan at bughaw na kalangitan na nasaksihan ng mga estudyante ng Dasmarinas National High School. (c) DNHS Stolen Shots
Dito rin matatagpuan ang iba't ibang establishimento at negosyo tulad ng Dasnamrinas National High School, City Schools Division of Dasmarinas, Dasmarinas II Central School, SM HyperMarket, Kadiwa Public Market, St. Paul Hospital, Dasmarinas Water District Kiosk atbp.

Ang Barangay Burol I din ang pinakasentro ng komersyal at Edukasyon sa pangkat ng Burol.

Pag-usapan natin ang iba't ibang departamento at aspekto ng kinapipitagang Barangay ng Burol-I.

I. PAMAMAHALA

Sabi nga nila, nagsisimula ang pag-unlad at pagbabago ng isang komunidad o lungsod sa pangunguna ng mga opisyales nito. At sa Barangay Burol- I naging maganda ang sistema ng mga namamahala. Alam niyo ba na noong nakapanayam namin sila lalo na ang Barangay Captain na si Gng. Erlinda Villanueva, naging malugod ang pagtanggap nila sa amin at mukhang lahat sila ay nagtutulungan at gusto naman ang kanilang ginagawa para sa pag-unlad ng barangay.
Mga mag-aaral ng DNHS mula sa Grade 9 Lavosier kasama ang butihing Brgy. Administrator.

Mga Opisyal ng Barangay Burol-1 (2013 - 2016)
Punong Barangay :    Castor, Mary Ann Elaurza
Barangay Kagawad : Villanueva, Erlinda Alejanio
Barangay Kagawad :Dela Torre, Heber Angeles
Barangay Kagawad : Escalicas, Jomar Geñorga
Barangay Kagawad : Billones, Renato Borreros
Barangay Kagawad :Talingting, Concordio Batingal
Barangay Kagawad : Bencito, Wilfredo Malimban
Barangay Kagawad : Balabis, Ricardo Carding

II. EDUKASYON

Taimtim na nakikinig sa mga anouncements ang mga studyante ng DNHS. (c) DNHS Stolen Shots
Saan nga ba nagmumula ang mga lider ng bayan? Saan sila hinuhubog? Ang sagot ay ang paaralan. Sa paaralan tayo natututo at nagsisimulang makibagay sa ating paligid. Dito napag-aaralan natin kung paano makipagkapwa tao at kung paano maging isang mabuting estudyante, mamamayan, kaibigan, anak, kapatid, at anak ng Diyos.

Unang Una ang tanyag at pinakamalaking sekundaryang paaralan sa buong Kabite, ang Dasmarinas National High School. Dito madalas ginaganap ang mga Citywide Events maging Regional at Provincial Events tulad ng Intramurals Meet, City Meet, 2009 Gawad Karangalan. 2013 Regionals Schools Press Conference, Division Math Camp (Secondary Level), Yes-O Camps (Secondary Level) atbp. Dito rin nagmumula ang mga pambato ng lungsod sa iba;t ibang kompetisyon sa labas ng Dasmarinas. Meroon rin itong SSC o Special Science Curriculum, Sport Academy, Open High School Program at General Curriculum. Ang paaralang Dasmarinas National High School ay may pokus sa pang-akademiko at pangpalakasang aktebidad. Isa na rito ang Research at Statistics na itinuturo sa mga estudyante sa ilalim ng Special Science Curriculum upang maging handa sa paggawa ng mga thesis at research paper.
Maganda ang pamamalakad rito dahil sa tulong ng Punong Guro na si G. David E. Atas,at iba;t ibang departamento't organisasyon ng paaralan.

Seniors habang sinasayaw ang kanlang winning moves, Intrams. (c) DNHS Stolen Shots

Ikalawa naman ang isa sa pinakamalaking elementaryang paaralan sa Dasmarinas, ang Dasmarinas II Central School na nangunguna sa Mathematics, Science, Journalism, English at Filipino. Marami ring kompetisyon ang ginagawa rito tulad ng Division's Schools Press Conference, Division Read-a-Thon's, Division Math Camp ( Elementary Level) Division Yes'o Camp ( Elementary Level ) atbp. Madalas ring nananalo ang mga estudyante rito sa labas at loob ng Dasmarinas maging sumali sa panginternasyonal na labanan. Maganda at mapayapa ang sistema rito. Bukod sa well-trained ang mga guro rito ay well disciplined rin ang mga mag-aaral rito.
Marami pang paaralan na matatagpuan sa Barangay Burol-I tulad ng Corinthian Institute of Cavite, God the Almighty Inc., Mary Mediatrix Academy atpb.


III. Negosyo at Pamilihan

Mga mamamayan ng Dasmarinas habang namimli sa SM Market Mall. 
Ang isang lungsod ay kulang kung walang mapagkukunan ng pangunahing pangangailangan sa pag-araw-araw. Hindi naman malapit ang Dasmarinas sa mga palayan at kapatagang mapagkukuhanan ng bigas, palay atbp. Dahil na rin sa matayog na pag-unlad ng Dasmarinas, nagpatayo na rin ng iba;t ibang pamilihan at establishimento.

Isa na rito ang tanyag at maaasahan ng lahat, mayaman man o mahirap, simpleng mamamayan man o sikat, ang KADIWA Public Market. Nagsimula ito bilang isang simpleng tindahan lamang ng dalawang magsasaka na humantong sa pagkasawi at ipinagpatuloy upang maging malaking palengke, ang KADIWA ay ang pinakamalaking komersyal na lugar sa Dasmarinas at sa Barangay Burol-I. Dito makakabili tayo ng iba;t ibang bagay at pagkain tulad ng karne ng baboy, baka at manok, gulay, kasangkapan, hayop atbp. Maaasahan ito sa kahit ano mang pangangailangan.

Ikalawa naman ang SM Marketmall o mas kilala sa SM HyperMarket. Ang lugar na kinatatayuan nito ay bahagi rin ng KADIWA Public Market. Tulad din ng KADIWA, matatagpuan rito ang daily needs ng bawat mamamayan ng Dasmarinas.
Ambulansyang ginagamit ng mga opisyal sa Brgy Burol I. 

IV. Kalusugan at mga Problema at Solusyon

Kung nagkakasakit at may kalagayang kritikal sa kalusugan, madalas tayong umaasa sa mga doktor, nars atbp. eksperto. At dahil sa pagbabago sa teknolohiya; mula sa paggamit ng halamang gamot hanggang sa mga injeksyon at stem cell, nagkaroon na ng mga ospital at kilink sa Dasmarinas, publiko't pribado.


Mga guro mula sa Dasmarnas National High School habang nagsasagawa ng Brigada Eskwela. (c) Supreme Student Government
Maraming medical center dito at pabor rin sa sistema ang mga medical programs at missions na ipinapatupad para sa mga mahihirap at maging sa may kaya. Mga programa tulad ng libreng paanakan, school and community feedings, libreng circumcision at etc.
Veggie balls, isa sa mga produktong binebenta ng mga food kiosks sa Barangay Burol I at sa DNHS Canteen.(c) DNHS Stole Shots


Madalas ding problema ng Barangay Burol I ang matinding tambak ng basura at polusyon. Lalo na sa mga komersyal na lugar. Kaya nagsagawa sila ng mga clean-up drive at programs na tinutulungan ng Yes'o Club ng Dasmarinas National High School at Supreme Student Government nito maging ang mga concerned citizens. 


Naging problema rin dito ang kawalan ng trabaho't negosyo. Madalas kasing nakatambay lang ang mga tao rito na nagsanhi upang magsagawa ng panegosyo ang pamahalaan ng Brgy. Burol I tulad ng stalls at food kiosks na matatagpuan sa KADIWA at harapan ng DIICS at DNHS. 

Trapiko rin ang naging isang problema ng barangay Burol-I, dahil napalilibutan ito ng Congressional Road. Madalas itong napupuno ng iba;t ibang sasakyan na nagsasanhi ng polusyon sa hangun dulot ng itim na usok na nagbibigay ng mga sakit sa baga at hirap sa paghinga. Kasalukuyan pa itong inaayos at hinaharap ng mga opisyal ng barangay.









Huwebes, Hunyo 11, 2015

Ikalawang Bahagi: Layunin


Isa sa mga layunin ng aming Pangkat ng IX-Lavoisier, ay ang maipahayag at mailahad ng maayos ang mga datos tungkol sa Barangay Burol-I, Dasmarinas City, Cavite. Gusto rin naming ipakilala ang magandang lugar na ito at kung paano gumagana ang mga sistema ng barangay.

Layunin rin namin na maunawaan ng mga kabataan at mga taga-ibang lungsod/probinsya ang lugar na pinapaksa ng aming blog.

Unang-una, gusto naming magpasalamat sa mga tao na nasa likod nito lalo na sa aming mga kamiyembro, guro sa ESP 9, aming mga pamilya, kaibigan, mga opisyal at mamamayan ng Barangay Burol I at syempre ang Dakilang Lumikha na nagbigay sa atin o sa amin ng oportunidad na maglayong ibahagi sa inyo ang kanyang nilikha. Kami rin ay nagpapasalamat sa aming mga sangguniang pinagkuhanan rin ng datos.God bless po sa lahat!

Miyerkules, Hunyo 10, 2015

Ikatlong Bahagi: Mga Taong Sangkot sa Gawain.


Muli nagpapasalamat kami sa aming mga kamiyembro, pamilya at mga kaibigan na nagpahintulot sa amin na gawin itong matagumpay at maayos na mailahad ang mga datos na aming nakuha tungkol sa aming paksa.

Salamat sa aming pamilya:

1. Bacarisa Residence
2, Perez Residence
3. Manansala Residence
4. Tobias Residence
5. Gonzales Residence
6. Ebero Residence
7. Garces Residence

Salamat sa aming mga kaibigan mula sa:
1. 9-Lavoisier
2. 9-Mendeleev
3, Kapitbahay at Kaeskwela

Salamat rin sa Diyos!

Salamat sa mga kamiyembro:

A. Mga nangalap ng Impormasyon: (Naginterbyu sa mga Opisyal at Documentation)
1. Matthew Perez
2. Kathrine Jane Sunga
3. Joyce Tobias
4. Andrea Bacarisa
5. Darly Manansala

B. Lumikha at nagtype ng blog/ nagresearch sa Internet:
1. Kenneth Garces

C. Nagsurbey
1. Christian Gonzales
2  James Ebero

Salamat sa mga Sanggunian!




Martes, Hunyo 9, 2015

Ikaapat na Bahagi: Panahong Inilaan


Kami, mula sa IX- Lavoisier ay naglaan ng schedule o timetable.

Skedyul na nilikha ng Pangkat Uno sa ESP, IX-Lavoisier, DNHS sa pagsasagawa ng proyekto.

Lunes, Hunyo 8, 2015

Ikalimang Bahagi: Awtput (Sarbey at Dokyumenteysyon)


Ang pangkat namin, 9-Lavoisier, ay nangalap ng impormasyon sa Barangay Burol-I.

Ang sumusunod na data na inyong makikita ay inisyal. Nakipanayam kami sa 45 tahanan.



Pagsasamo ng mga nakalap na Impormasyon: Iba-iba ang estado ng mga mamamayan ng Burol-I. 

Interbyu:

Nakipanayam kami sa isang tahanan sa Barangay Burol-I.
Lavoisier: Magandang Umaga po. Kamusta po Kayo!Galing po kami sa Grade 9 Lavoisier mula sa Dasmarinas National High School ho. Maaari po ba namin kayong makapanayam o mainterview para lang po sa aming proyekto.
Pamilya: Ah. Magandang Umaga rin po. Ah ganun ba. Kung pangeskwela ninyo naman ay ayos lang. Sige, pasok kayo. Pasensya na. Medyo magulo ang bahay namin. Nagpagawa kasi kami ng kisame.
Lavoisier: Salamat po. Ah okay lang po iyon.

Ayaw nilang ilabas namin ang kanilang family name. Pumayag kami sa kundisyong makakakalap kami ng data sa kanila.

Pamilya:Gusto niyo ba ng pagkain? Rc ganun. Tinapay mga bata?
Lavoisier: Ah okay lang po kami. Nakapagtanghalian na po kami. Haha.
Pamilya: Ah ganun ba. Sabihin niyo lang ha mga anak kung nagugutom 
kayo at may tindahan diyan.
Lavoisier: Ayos lang po. Malaking abala na po kami. 
Pamilya: Sige na. Simulan na natin.

Agad naming sinimulan. Mga bandang alasdos ay nagsimula na kami sa pagtatanong.

Unang Tanong: Kamusta naman po ang Barangay Burol-I?
Pamilya: Ayun okay lang. Sa totoo lang, kakalipat lang namin dito last December. Ayos lang naman, Madaling pakisamahan yung mga tao rito. Mababait naman sila. Galing pa kami ng Area G (DBB-G) pero parang parehas lang so di naman kami masyadong namoblema sa pamumuhay rito. 

Ikalawang Tanong: Ano pong masasabi niyo sa Kalidad ng Edukasyon rito?
Pamilya: Ayon, ayos lang. Maganda yung kalidad rito kumpara sa DBB-G kasi yung hayskul dito mas malaki tsaka yung quality of teaching ng mga guro doon parang iba talaga. Matututo talaga at matututo ang mga estudyante. Parang yung mga anak ko, Grade 8 na siya sa MAIN. Sabi niya hindi raw siksikan rito at walang shifting of classes. Yung anak ko naman na nasa Grade 5 sa Central, medyo mas malaki yung eskwelahan nila kumpara sa nauna niyang iskul pero ganun parin nman daw ang pagtuturo.

Ikatlong Tanong: Ano pong sa tingin niyo ang problema sa Barangay Burol-I?
Pamilya: Medyo makalat. Minimal naman yung polusyon. Pero nakakainis yung mga pagala galang aso rito tsaka yung kapag gumabi na, napapansin ko kapag tumitingin ako sa bintana namin, may mga kung sino-sinong kabataan ang nagkalat. Feeling ko nga baka mga nakashabu yun pero ang kinakatakot ko naman kasi babae yung anak ko, dalaga na so medyo nakakapag-alala. Di naman sa nanghuhusga pero may iba talaga akong pakiramdam. Yung mga kanal rin, medyo madumi pero nalilinis lang kaya medyo di ako masyadong naapektuhan. 

Mabilis lang namin silang ininterbyu dahil may aasikasuhin pa raw ang mga may-ari ng bahay. Maganda naman ang mga sinabi nila. Sapat na.

Dokyumentasyon:









Linggo, Hunyo 7, 2015

Ikaanim na Bahagi: Naidulot


Naidulot ng pangangalap namin ng impormasyon na makilala pa lalo ang Barangay ng Burol-I. Mas napatatag nito ang aming pagtutulungan bilang isang pangkat at bilang magkakaibigan. Mas napalalim rin nito ang aspektong pakikisama namin at istatehiya na mangalap ng mga data.

Naituro din nito sa amin kung paano makisama sa mga taong kailanman ay di mo inisip na kakaibiganin mo. At ang pananalig sa Diyos na naging sandigan namin sa mga oras na kailangan namin siya.


Sabado, Hunyo 6, 2015

Ikapitong Bahagi: Pagninilay


Napagnilayan namin na ang kahit anong gawain ay matatapos kung tayo ay magkakasama at nagtutulungan. Dito, napagtanto namin ang halaga ng bawat isa, mula sa pagpaplano hanggang sa pagsulat dito sa blog. Malaking bagay na natapos namin ito ng maluwag sa aming puso at matagumpay.

Dito, mas napalakas namin ang pananalig sa Diyos. Binigyan niya kami ng lakas ng loob, talino at kabutihan na matapos at masimulan ito. Siya ang aming sandigan. Siya ang Dakilang Lumikha na may sanhi kung bakit may ganito at ganyan, kung bakit kami naatasan sa Barangay na ito;t ganyan.

At dito rin namin nalaman na ang isang lipunan ay nabubuo ng iba;t ibang aspekto na nagpapalakas at nagbibigay ng kontribyusyon upang umunlad at yumabong. Dahil kahit sa simpleng estudyante na tulad namin, gaganda ang bukas.

Salamat sa lahat at God bless us all!